Sana Lahat na lang Tayo may Marka sa Noo
Ang kulit ng YM. Mabuhay talaga ang nakaimbento niyan. Andame kasing interesanteng napag-uusapan dahil sa YM e. Tulad ng talakayang ugat ng pamagat ng blog entry na 'to.
Sana Lahat na lang Tayo may Marka sa Noo. Ang marka sa noo na yan kasi ay signal kung may gusto ko ba sa isang tao o wala. Pag may gusto sayo ang isang tao, may lalabas na natatanging marka sa noo na nagpapahiwatig nun. Kung ano ang markang iyon, di na namin napagdebatihan sa aming talakayan. Pero basta marka sha. Sana star na lang para oks sa akin, peyborit ko yun e. Wag lang cross dahil parang Ash Wednesday. At wag lang numero dahil parang the Frighteners, nakakatakot naman yun kung ganun. Sabi ko nga wag na lang marka sa noo, sana tipong may kakaibang "glow" na lang yung tao, para di naman super kakaiba. Pero kakaiba rin pala yung "glow" lang mismo kung iisipin mo.
Pero seryoso, sana nga lahat na lang may marka sa noo. Para mas madali para sa lahat ng tao. Wala nang pakiramdaman, wala nang panghuhula, wala nang mga pagtangis na di naman pala kinakailangan, at wala nang mashadong oras na maaaksaya. Dun sha sa gusto niya. Dun ka sa may gusto sayo. O di naman kaya pag susuwertihin, kayong dalawa pala ay may gusto sa isa't isa, e di dyan na nga kayo! Perpektong impormasyon, parang assumptions sa Econ. Para efficient ang "market". Haha.
*****
Dapat pala lagi akong nagsusulat ng tulad ng huling post ko e. Para naman tinatamaan at ang mga tao at gumagawa ng kaukulang aksiyon. Tingnan mo, sabi ko sayo e...wala namang mawawala sayo. Ayan, buong gabi ka nang nakangiti ngayon tuloy, haha! Ang kyut mo! Bwahaha! Kung di ka nakinig saken, wala, walang nangyaring kasiya-siya. Tulog ka lang siguro ngayon, pinapanaginipan kung ano yung mga dapat mong ginawa imbis na kung ano yung mga nangyare pagkatapos mog gawin ang mga yun. Hahaha. Sana naman makatulog ka, ha? Baka naman parang naka-prozac ka na sa sobrang saya niyan. Hehe. Pero I'm happy for you dude. Meron pa ngang mga lalaking tulad mo. Idol. Baw.
*****
In fairness to you, my textmate-during-the-bus-ride-home. Dahil sa mensahe mo, ako'y nabatukan at natauhan. Ikaw lang ang nakagawa nun. Mabuhay ka! At tama ka nga...pero pwede ko namang hintayin e? Hahaha, joke lang, baka batukan mo na ako ng totoo niyan e, hehe.
*****
Ang mga huling titik na iiwanan ko sa inyo ay mga linya mula sa kanta ng "the great" Donna Cruz:
Kapag tumibok ang puso
Wala ka nang magagawa kundi sundin ito
Kapag tumibok ang puso
LAGOT KA NA (!!!)
Bwahahahaha!
Hango mula sa isa sa mga commnews sa opisyal na publikasyon ng org ko. Ang totoo e, astig. Kaya hiniram ko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home