Sige na nga, mag-ta-Tagalog na ako (Well, mas Taglish I think)
Sabi ko kase hindi ako mag-Ta-Tagalog sa blog na ito. Para pag may nagbasa na nakakaintindi lang ng English, mababasa niya. Pero what the heck, di naman para sa kanya ang blog na ito kundi para sa akin, di ba?! Hahaha! Wala lang.
Fun week itong nagdaan. First seryosong week ng classes (so anu yun, joke lang yung last week?! hehe). And here were my daily significant activities:
MONDAY: Beach House Lunchout with friends (plus thesis research na ren)
TUESDAY: Gateway ticket reservations for HP4...and kain and kwentuhan too (plus marketing)
WEDNESDAY: Harry Potter and the Goblet of Fire movie!!!!! :D
THURSDAY: Constantine Maroulis Concert in Greenbelt 3!!!! (hotness!)
FRIDAY: Traditional Choc Kiss Dinner with traditional Choc Kiss Friends (minus 1, plus 2)
At saan naman ang classes diyan, di ba?! In fairness to me, pumapasok naman ako...di nga lang yun ang highlight ng mga araw ko kaya di sila yung nakikita sa mga pinakanatuwa akong ginawa sa buhay ko ngayong linggo.
Feel na feel ko ang pagiging 9 units left na lang. Ang saya. Walang ginagawa (well, that is, compared to what I've been doing before). Minsan nga boring na. Although di lang ako siguro sanay kase. I could get used to this kind of life...wag kaya akong magtrabaho after?! Hahaha! Shempre hindi pwede yun. At gusto ko rin namang kumita ng pera.
*****
Ang ganda ng Goblet of Fire movie. I am kinda biased but a lot of people said na maganda nga ren naman talaga. I am watching it again with family and another set of Harry Potter friends. Wahahaha!:D
*****
Ang saya magkaron ng new friends. :D Sobrang laugh trip, haha! New hirits, new jokes, new laughs, new kwento. I am loving my new forever kasabay pauwi -- Dennis!!! Dati kase I tend to go home alone. Ngayon, ang saya, may kasabay na ako umuwi almost everyday..kahit gano pa ka-late! Whee! Kase naman ang Dennis, pareho kami ng body clock ata at ng kagustuhang mag-stay muna sa Econ at huwag munang umuwi. In short, pareho kaming tamad umuwi at gala. Hehehe.
*****
I am currently home alone. Not one member of my family is here with me. Na-w-weirdan lang ako. Usually ako yung wala lagi sa bahay e. Tapos ngayon ako yung iwan dito. Haha. Wala lang. Talaga nga atang wala na ako mashadong ginagawa.
*****
Excited na ako sa sleepover namin kina Maggie sa Tuesday. Yes, we will have a sleepover. Barkada sleepover ito. On a school night (para namang nag-matter masyado yun date di ba?!hehe). Talagang wala na kaming ginagawa, hehe. I am loving it. DVD marathon! Food trip! Puppet show for baby Hannah! Tapos yung winner (meaning magpapatawa ng pinakamatagal kay Han) may prize! hahaha! Yeba!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home