a slice of chocolate caKE with everything on it

because life's like chocolate cake: it's only either very sweet or bittersweet

Wednesday, December 28, 2005

Kapag Gusto Mong Maglaho ng Parang Bula

Minsan may mga sandali sa buhay ng isang tao na hinihiling niyang sana mawala na lang sha sa kinalalagyan niya sa susunod na kurap ng kaniyang mga mata. Yung tipong bigla na lang niya maiisip yung mga librong nabasa niya at mga palabas na napanood niya at awtomatik na sumasagi sa isip niyang sana nakakapag-apparate na lang sha o di naman kaya'y mayroon shang kakayahang magteleport o mag-blend-in sa pader at his own will.

Pero naman, di ko naman akalaing gugustuhin kong mangyare yun palagi. Nakakastress. Nakakapagod. Nakakasawa. Nakakawalang-gana.

Di bale, makikita niya. Tingnan natin kung kanino mapupunta ang huling halakhak. Darating din ang araw na...MAGIGING INVISIBLE NGA TALAGA AKO! Bwahahaha!

Ampait.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home