Commuter Chronicles
Reaching home past midnight on a regular school night is but common to a wandering commuter. Yes, that is what I have decided to call myself just 4 seconds ago. Wandering commuter. Adds some mystery and adventure to a seemingly ordinary "occupation", doesn't it?
But being a wandering commuter IS an occupation in itself. Sa hirap ba naman ng pagcocommute, dapat binabayaran ka talaga sa paggawa nun! Lalo na pag umuulan...o di kaya naman pag magcocommute ka ng maysakit ka (na kakagawa ko lang kahapon. buti na lang andun si jules. tenks dear.)... o pag super siksikan sa bus na sasakyan mo papunta sa paroroonan mo...at marami pang ibang instances.
Pero kadalasan keri ren naman ang pagcocommute. Marami pa ngang interesanteng na-e-encounter dahil dun. Mga taong alam mong dun sa jeep mo lang na yun makikita ever sa buhay mo, o di kaya naman ang kabaligtaran nito, taong alam mong di mo lang dun makikita. Mga amusing na conversations ng mga magkakaibigan, mga sana-invisible-na-lang-ako moments habang nagaaway ang magsyota sa harap mo sa loob ng MRT, nakakaendear na paghele ng ama sa kanyang sanggol na anak, pagtulog ng katabi mo ng nakabuka ang bibig...matutunghayan lamang habang napapalipat-lipat sa iba't ibang sasakyan. Madalas nakakapag-aral pa nga ako habang nagcocommute e. Isang oras din yun ng pagbabasa ng libro! At shempre, nakakapagmuni-muni ako...tungkol sa mga pangyayari ng araw na nagdaan, sa mga plano ko sa hinaharap, sa mga ikinasisiya ko at ikinalulungkot, sa mga gagawin pagdating sa bahay, at pati na rin sa panghuhula ng ulam na aabutan kong nakahain sa mesa....
Dami ko na ring napuntahan dahil ako'y nagcocommute. Naalala ko, inauguration ng aking official commuting days ay noong ako'y nasa first year high school at may party sa school. First time kong magcocommute, kasi first time na permanenteng nawalan na ng maghahatid at magsusundo saken kung saan-saan. E alangan namang habambuhay na akong maburo sa bahay dahil wala lang maghahatid saken di ba? So nagdesisyon akong magcommute. At simula noon, kung saan-saang lupalop na ako nakarating. Kahit nga mga lugar na di ko pa napupuntahan date, nararating ko mag-isa basta commutable ang lugar. Keri naman ang lahat ng bagay kung marunong magtanong at may matinong sense of direction. Sabi nga ni Desh, para raw akong walking compass sa lakas ng pakiramdam ko pagdating sa tamang direksyon na patutunguhan...naisip ko lang, sana ganun din talaga ako kagaling pagdating sa tunay na life, ano? Hehe.
*****
Dapat natutulog na ako. Actually, dapat nag-aaral na ako dahil may exam ako bukas. Este mamaya na pala yun. Mamayang 6 na siguro ako mag-aaral. Kaya lang wala pa rin palang tribute. Shempre uunahin ko yun, higher utility eh. So ang hierarchy ko: 1) tribute; 2) tulog; and 3) exam. Talaga nga naman, gagraduate na lang ako wala pa ring pagbabago sa priorities ko, tsk, tsk.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home