a slice of chocolate caKE with everything on it

because life's like chocolate cake: it's only either very sweet or bittersweet

Saturday, April 01, 2006

Da April Fools Post

Nung isang araw, nagtext ang kaibigan kong ULTIMATE Globe text non-stop user (feeling ko sa aming lahat sa phonebook niya na Globe users) ng katanungang ito: Bakit kailangan may umaalis? Aba, shempre ako, sagot na sagot naman (oo, sumasagot talaga ako lagi sa mga tanong niya, kahit gaano kababaw pa o kalalim, hehe). Anu nga ba yung mga sinagot ko? Hmmm...eto:


- dahil ganun talaga ang buhay, kailangan may mga phase na nagtatapos para makasulong sa bagong yugto naman

- para makapag-grow. kase kung dun ka na lang forever, baka hindi ka na mag-grow

- kase pinapaalis na ng sapilitan (hehe)

- to make way for the new

Basically, yan ang mga sagot ko. Ngayon, dadagdagan ko iyang mga sagot na yan.


- dahil magkakaiba na ang gusto at hinahanap

- para malaman kung gaano kahalaga ang kung anong meron ka habang di pa umaalis

- upang ma-emphasize ren kung ano ang ang mga dahilan kung bakit ka nagstay in the first place

- para masubok ang tatag ng kung anong meron

- para pumunta kung saan ka mas masaya

- upang hanapin ang sarili


Tunay na bitter-sweet ang paglisan. Hmm...Hindi talaga ako mahusay sa pagdadala ng mga ganitong bagay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home