a slice of chocolate caKE with everything on it

because life's like chocolate cake: it's only either very sweet or bittersweet

Sunday, May 07, 2006

On the PBB Teen Edition

In fairness, I find PBB Teen Edition amusing. Nakakatawa talaga minsan kase ang petty na talaga ng mga issues nila. Parang kamusta naman ang kabataang Pinoy, di ba kung ganun?! Pero in fairness to them naman den, may mga times na may pagkamalalim din naman sila.

Dalawa dun taga-sa amin. Si Bam at si Joaqui... na ika nga ni Tonet, di talaga benta sa mga tao, haha. But no, sabi ng kapatid ko ganun daw talaga si Bam. As in kung anu sha sa PBB, ganun talaga sha sa totoong buhay. As in yung mga "Much Love and Respect" niya, yikes, ganun talaga daw yun. At mabilis ren daw talaga ma-in love nga. Yun na eh. Kabarkada kase ng kapatid ko sa school, haha. Si Joaqui naman, nakaka-walking ng tita ko dito sa village namin tuwing umaga. At sabi niya gwapo daw talaga sa personal. Haha, sana matanggal na sha! Ayoko sha e. Sayang talaga at natanggal kagad si Aldred. Sha pa man din yung crush ko talaga nung una. Gwapo e, ganda ng dimples! Hehe. Pero kung ganun nga lang ang reaksyon niya sa loob ng Bahay ni Kuya, mas makakabuti ngang lumabas na lang sha. At least nasa guestings na sha ngayon sa ABS-CBN shows! Yeah!

Ang gusto ko, on the other hand, ay sina Kim (cute and sweet and nice) at Jam (ang ganda e) sa girls at sina Gerald (ang gwapo talaga e!!!!), Mikee (in fairness, ayos sakin si Mikee e) at Matt (reminds me of...hmmm... ;p) sa boys. Hmmm..sino kayang mananalo sa kanila? Early final four bet ko ay sina: Kim, Matt at Mikee. Three lang pala, wala akong mailagay na pang-apat e. We'll see...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home