a slice of chocolate caKE with everything on it

because life's like chocolate cake: it's only either very sweet or bittersweet

Monday, May 15, 2006

Ang Kolokoy na si Caloy: The Bugsy Sorsogon Trip (PART I)

After 5 years of planning, natuloy na ren kaming mag-out-of-town ng mga HS friends ko!!! Oh yeah! So imagine niyo na lang ang kasabikan naming lumabas ng NCR at ng CALABARZON area (dahil lagi na lang kaming nag-s-sleepover sa bahay either ni doyti or ni dana..though enjoy din naman talaga, hehe). At ang tatanda na namin para di pa lumbas ng malayo, ah. Kaya naman nung bumili kami ng ticket sa Philtranco noong isang Sabado, grabe, feel na feel ko tlga na tuloy na tuloy na ito, na there's no stopping us na! Yeah!

At ayun na nga, lumarga na kami ng May 10 ng gabi. VIP bus ng Philtranco. First time kong magVIP bus, in fairness, maluwag. Sayang di na namin naabutan yung dating VIP bus na may chicken joy pa at may stewardess pa sa loob...alam mo nang cost-cutting na e.

Teka, may katamaran din pala akong mag blow-by-blow account ng mga nangyare...kaya napagdesisyunan kong wag na lang. Hanggang dyan na lang yan. Mag-e-enumerate na lang ako ng kung anu mang maisip ko, haha. (Pero kung gusto niyo ng blow-by-blow or tagpi-tagping blow-by-blow account, daan kayo sa blog nina mace, ethel, ish, mae, tonet, tidoy, joey, jham (may blog ka ba?) at migs...yan ay kung kakilala niyo sila, hehehe...)

To cut the long story short, binagyo kami sa Sorsogon. Yes, it is the first bagyo of the year. Para namin shang sinalubong ng malugod tuloy, haha. At hyper bagyo sha ha, in fairness to Caloy. Yun na ata ang pinakamalakas at pinakanakakatakot na bagyo na naranasan ko ever! Tama ba namang mabuwal ang mgqa puno sa kapaligiran namin at matanggal ang mga bintana ng bahay?! Scary talaga... tapos dahil din sa kanya, nagbrownout at nawalan ng tubig. Oh yeah, di ba? First two days tuloy nauwi kami sa pag-p-poker, pusoy dos, pagkain, at walang tigil na kwentuhan. Kamusta naman at pumunta pa kami ng Sorsogon para gawin namin ang lagi naman naming ginagawa na sa Maynila di ba?! Hehehe...in fairness, todo bonding ever. :D Sabi nga ni Migs nung pag gising namin ng 3rd day, "Grabe, nagdadaldalan pa ren sila!". Oh yes Migs, madadaldal talaga kami. Hehehe. :D

So PBB / Survivor ang naging tema ng trip namin. Walang ilaw at tubig..tapos nasa loob lamang kami ng iisang bahay ng two days. Hahaha, in fairness, masaya naman. :D

Di ko nga akalain na matutuloy pa ang pag-b-beach namin ng day four e. Pero buti nautloy, fun kase. Kahit na ang sakit ng mga coral, magaganda naman sila. Tapos ang saya ng Ultimate frisbee game namin! (Go Team KE, Dana, Mae, and Jham!!!) At hanggang sa beach nadala ang pagkaSurvivor-themed ng trip sa pagkamay sa pancit na saucy. And the fantastic photo ops (nasa friendster ko) Pero da best ang Don Romantiko video na ginawa namin!!!! Wahahaha, tripping kung tripping...at game talaga lahat, wala man lang nagresist na di sumali sa sayaw! Hahahaha!

And the Butanding ng last day. Akalain mo ba namang makakita pa kami ng Butanding (whaleshark) after a recent storm?! Ang swerte namin, nakakatuwa!!! The best talaga yung tatalon ka sa gumagalaw na bangka (pero aaminin ko, nagulat ako nang malaman kong kailangan kong tumalon HABANG GUMAGALAW PA YUNG BANGKA! Pero wala nang panahon para matakot ren e, hehe. Tatalon ka na lang talaga.) tas lalangoy ka ng mabilis para makita yung Butanding e!!! Coolness talaga ever! Astig. Super. Nature trip kung nature trip. I love the seas talaga. Tas nakakita pa pala ako ng Walo-Walo (sea snake), wala lang.

At, nagstop-over kame ng Cagsawa to see Mayon Volcano up close (well, kinda). Ang ganda. Astig talaga.

Basta, super fun nung entire trip. :D Super memorable. Sa totoo lang, kahit naman di na kami natuloy ng beach at Butanding sa Donsol, keri na lang ren naman... kase sa kasalukuyan, wala na akong ibang mas pipiliin pa na makasama na mastranded sa loob ng isang bahay habang bumabagyo ng walang ilaw at kuryente sa malayong lupalop kundi silang mga kasama ko. :D

Okay Bugsy, next stop, MACAU na!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home