a slice of chocolate caKE with everything on it

because life's like chocolate cake: it's only either very sweet or bittersweet

Monday, June 05, 2006

"Hidden Hinhin" and other short stories

Ang fickle ng kapatid ko. Nagdadalawang-isip kung mag-U-UP sha. At yan ay pagkatapos naming maglakad-lakad buong araw sa ka-UPhan para iprocess ang paglipat niya. Kamusta naman di ba?! Grabe, ewan ko ba dun. Kung ako noon ay sinawimpalad na di pumasa ng UP, super lahat ng means para makalipat doon the next year gagawin ko talaga. Dream school ko eh. Pero sha mukang hindi niya dream school. Ewan ko sa kanya. Sana malinawagan na sha kung saan niya talaga gusto. Para di masasayang ang pagod ng mga binti ko.

*****

Nararamdaman kong may magandang naidudulot ang aking pananatili sa bahay palagi... parang feeling ko ngayon na lang uli ako talagang napirmi sa bahay. As in in the truest sense, ah. Ngayon na lang uli ako up-to-date sa mga pangyayari dito... kasi naman aminado naman ako, lagi naman kasi akong wala. Laging may ginagawa kung saang lupalop. Basta, okay na pakiramdam 'to. Parang reconnecting, ganun.

*****

Minsan talaga di maiiwasan na may mga bagay na ma-t-take for granted ka sa pang araw-araw na buhay... Kaya ngayong naalala ko na ganyan nga, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga bagay na meron ako ngayon na kadalasan ay tine-take for granted ko. Tenk u por ol dat, Lord.

*****

Eksena sa Ecosoc Tambayan kanina:


KE: (addressed sa mga ecosocers sa tambayan)
Heyah! Papakilala ko sa inyo kapatid ko, si Joanne. Mag-U-UP na sha e.

daldalan galore with Ecosocers... after a few minutes...


JO: (mejo tumahimik ng konti tapos looking puzzled...)
KE, ang hinhin ng kapatid mo... ganyan ba talaga sha lagi o ngayon lang dahil bago mga taong kasama niya?

KE: (nagets and implication) So anu naman ang implication nun Jo?!

OTHER ECOSOCERS: (halakhak ng malakas)

After a few hours, sa may OUR...

KE: (nakita si mikoy at kats) KATS! MIKOY!

KATS AND MIKOY: Uy! Hi!

KE: Mikoy, kapatid ko pala, si Joanne.

KATS: (na nasa tamabayan a few hours ago...sabi kay Mikoy) Ang hinhin nung kapatid niya, noh?


YUN NA YUN EH. Fine.

So goodbye pag-i-illusion na meron akong pinoproject na dalagang pilipina image, ano?! Pero I object! May kahinhinan kaya ako sa katawan! It's there, somewhere, hidden deep inside... hehehe. ;P

0 Comments:

Post a Comment

<< Home