Wonderful Food Animes, Pinoy Soaps, and Koreanovelas
Nowadays, the tv is some kind of my bestfriend. It's with me late in the morning (because i wake up late, hehe) till early in the morning (because i sleep late). Here are some of the shows that my "bestfriend" and I love watching:
Food anime is my new "thing" right now. Yakitate Japan! is the best! Kazuma appears to be a great baker. I want to taste Japan No. 22! And Japan No. 2 as well! Ang kukulit ng mga characters kase rin eh... nakakatuwa. Tapos meron pang isang food anime , sa HERO channel naman. Mr. Ajiko. Laban-laban din, dito naman sa pagluluto. Maihahalintulad ang mga palabas na ito sa IRON CHEF, kaso cartoons nga lang at maraming back story sa mga nagsisipaglaban-laban. :D Ang saya manood eh! At tatakamin ka ren dahil mukha ngang masarap yung pagkain! At in fairness, ang hihirap ng mga pinapagawang challenges sa kanila ah. Gumawa ba naman ng tinapay na walang asin o asukal?! Hyper!
Gusto ko rin ng Pinoy Soaps! Peyborit ko ngayon ang Bituing Walang Ningning (from now on to be referred to as BWN)! Ang ganda ng soap na yun talaga. Ang galing ng pagmodify nila sa story. Down factor para sa soap na yun na alam na ng mga tao basically kung ano mangyayare sa mga characters pero ang galing na na-pull off nila in such a way na kahit na ganun nga, na alam mo na, panonoorin at susubaybayan mo pa ren. Astig. In fairness, maiksi ang attention span ng mga tao ah, kaya feat na naging ganun ang kinalabasan ng BWN. Tapos ang galing pa ng casting. Parang swak na swak sa mga actors and actresses yung mga role nila. Bagay na bagay kay Sarah Geronimo yung role na Dorina na super die-hard fan ni Lavinia. Tas ang galing ren ng pagkagawa sa character ni Lavinia Arguelles, the kontrabida, kase di lang sha pinalabas na purely evil. Parang pinakita ren kung bakit sha nagkaganun, dahil na-p-pressure lang din sha sa nanay niya kaya kahit na masama sha you kinda have sympathy for her too. Pati si Dominic Ochoa, ang effective na kontrabida!!! Ang sarap tirisin, hahaha! Basta, okay na okay ang BWN... see for yourself. Inyo ring subaybayan. :D
At shempre, to cap my tv night, it has to end with MY GIRL!!! The Koreans have done it again! Winner na winner talaga itong koreanovela na ito, wahahahaha! Lalo na ngayon unti-unti nang nabubuo ang elemento ng love quadrangle sa istorya, hahaha! If you want something light and kilig and heart-warming, this is it! At kung gusto niyo rin na makakita ng gwapo at kacrush-crush na lalaki bago ka matulog sa gabi, ito ang tamang palabas na mapanood! (JULIAN!!!! Wahahaha!)
Hay, madaling araw nanaman... bukas uli bestpren. We shall watch again! ;p
0 Comments:
Post a Comment
<< Home