a slice of chocolate caKE with everything on it

because life's like chocolate cake: it's only either very sweet or bittersweet

Saturday, January 28, 2006

Happy! Sha la la la!

Hahahahahahaha! :D I consider myself such a happy person nowadays. I don't know why exactly but I feel happy. Maybe it's the jogging? Or spending a lot of time with my friends? Or Letti and MJ? Or Doyti's birthday party yesterday (which was super fun)? Or perhaps my pretty-in-pink jogging attire last Monday (complete with pink cap and all)? Oh well, I don't have to know the reason anyway.

*****

Kagabi, narealize ko ang level ng kakulitan naming magkakaibigan. At isa itong way, way, way to-the-NEXt level ng ka-next-level-an! Hahaha! Always riot talaga pag kami ang magkakasama! Walang pinipiling oras at lugar talaga e. Yesterday, dahil naunahan na kami sa magic sing, we found a way to amuse ourselves: nag-impromptu couples' dating game kami! Hahaha, ang saya! Wala na lang nagawa ang mga boyfriend ng mga friends namin eh. Buti na lang mababait sila at game (o, Martin, Migs...bawi na ako sa inyo ha!hehe.). Riot talaga forever! Hay nako friends, mahal ko talaga kayo kahit baliw kayo. O sige na nga, kahit baliw tayo! Hehehe :D

*****

Kanina nung pauwi ako, may nakasabay ako sa jeep na matanda. Isa shang lolo na. Bigla niya akong kinausap at nagpakilala sha. Sha raw si Lolo Manuel. At nagpakilala ren naman ako. Nagkwento sha tungkol sa iba't ibang bagay. Sabi niya napansin niya na puro raw kami bata na nakasakay doon sa jeep. Ang tanda na raw niya, 85 na, malapit nang mamatay. Pero okay lang naman din daw dahil handa na raw shang mamatay.

Ang galing niya kaya. Handa na shang mamatay. Ang hirap nun, ah. Maghanda nga para sa exam mahirap, pano pa kaya kung sa kamatayan?! Sabagay,kung iisipin natin, parang exam naman din ang buhay. At finals ang kamatayan (and vice-versa, hehe).

Nung andun na kami sa bababaan namin, nagpaalam na kami sa isa't isa. Tinanong niya ulit yung pangalan ko tas may winish sha para sa akin at ipagdadasal daw niya na magkatotoo yung wish niya na yun.

*Sana malakas sha kay Lord. :D*

Yung pag-uusap naming yun nga ata ni Lolo Manuel ang highlight ng araw ko e. Ang refreshing, nakakatuwa. Namimiss ko tuloy lola ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home