a slice of chocolate caKE with everything on it

because life's like chocolate cake: it's only either very sweet or bittersweet

Saturday, March 12, 2005

a month and a half time's worth of posts

So, aking napabayaan ang blog na ito. It has been what? More than a month since I last posted? Hat, kase naman, andaming ginagawa e. Acads at org ang kumukunsumo sa buhay ko ngayon. Buti na nga lang mejo nagkaroon ng break ngayon e. Sa Wednesday na uli ang sunod na exam (o di ba? I consider this a break na. That just goes to show na madalang ang break sa mundo ko ngayon...)


*****

Tapos na yung event namin sa org! And, i must say, I'm so happy dahil ang galing ng naging turn-out niya! Ang nakakatuwa pa dun, nagbond talaga kaming organizing team ng event na yun e. Sobrang I loved working with those orgmates of mine. Ang gagaling e, ang committed sa trabaho. Tapos, ang kukulit pa, which made the work lighter.

Yung co-head ko nga sa committee sa event na itatago na si Jaymie, kinatutuwaan ko talaga. Kase bata pa yun, freshman na new member ng org, tapos pinartner sa akin para matuto, ganyan. Nakakatuwa sha, kase ang bibo-bibo at ang galeng. Super nakakainspire sha. After the event, nagtext kame. I congratulated her for being a great partner at sabi ko bigyan namin ng individual awards yung staff namin, para marecognize yung efforts nila dahil ang gagaling naman talaga nila. Tapos nagreply sha sa akin. Sabi niya: "...kelan ang awarding? haha! ito ang essence ng pagiging part ng org natin, nakakatulong ka na, nageenjoy ka pa. :)" Sobrang na-touch ako sa message niyang yun. Kase I absolutely feel the same way. Kaya naman minahal ko ng ganito ang org ko kase I really believe in its purpose e. Nakakatuwa lang na talagang may ibang member na ganun din ang tingin sa ginagawa namin. And I'm kinda proud na ren kase her batch of applicants were our execom's babies. E ang gagaling nilang lahat, super mahal yung org. Na-p-proud kami ni AM (na aking naging co-execomer) sa kanila.

Hay. Ang lakas talaga ng tama ko sa org ko. I really love it. :)

*****

I was supposed to post something on a gloomier note but I decided not to. Basta it's about a friend na hindi ko alam kung exactly in what terms kame ngayon, kung good or bad. May misunderstanding kaseng nangyayare sa barkada ngayon. Basta, yun na yon. Sana lang magkalinawan na at maayos na ren ang lahat soon.

*****

Tapos na yung marketing plan presentation namin for our marketing class! Hooray!!! :) At grabe, ngaragan kung ngaragan talaga yun. We were actually supposed to present the marketing plan nung thursday. Nagkataon naubusan kami ng LCD sa BA, so namove kmai yesterday. At buti na nga lang namove kami kase kung hindi, sobrang sabog siguro namin. I swear, kahapon na nga kami nagpresent, mga 9 o'clock hindi pa kami tapos sa powerpoint presentation e! Ang nakakatuwa doon, we answered all questions well and with confidence and our teacher obviously liked our presentation! :) Kasi naman, first time lang ata na wala shang kinomment na hindi maganda about a presenting group e! At pang-anim na kami na nagpresent, ah! High eq talaga!!! :)

****

i just realized yesterday that one of my favorite movies is 50 First Dates. Wala lang. Ang ganda nung movie e!!! Ang sweet sweet talaga. Tatanungin mo tuloy sa iyong sarili ang tanong na ito: "Meron pa kayang Henry Roth sa mundo?!". Haha! So far kase wala pa akong na-e-encounter na ganung tipo e. Kase hindi ko kagad napanood yung movie paglabas niya. Yung isang friend ko na moviebuff shempre napanood niya kagad. Tinanong ko kung maganda, ang sabi niya sa akin, "Maganda pero kung ako sayo wag mo nang panoorin." Tinanong ko kung bakit, sabi niya, "Kase ma-d-disappoint ka lang. Wala naman kasing Henry Roth sa mundo e." So, that comment intrigued me more. Kaya naman pinanood ko talaga, hehe. And well, meron nga ba talagang ganun sa mundo?! Haha! Hay. Honestly, kahit ako nagdududa e... sa akin, sa mga ganyang bagay, to see is to believe. E wala pa akong na-s-see ng ganun e, hehe. But I'm not cynical about it. I'd like to know someone who's kinda like that, but of course in his own unique way. Sana nga may maging ganun sa akin, di ba? Sino ba namang babae ang ayaw ng may magmahal sa kanila ng ganun? (haha, I'm talking about love now,bwahaha!)

May naalala akong line dun sa movie na sinabi ni Drew Barrymore about her short-term memory loss. Sabi niya: "It's so unfair." Sa isip-isip ko pagkasabi niya nun: "So unfair ka dyan, e may Henry Roth ka!!!". That made me realize something. It made me realize that maybe LIFE ISN'T UNFAIR. Siguro there would be times na feeling mo pinagsukluban ka na ng langit at lupa at na wala nang nangyayaring maganda sa buhay mo and that you hate your life at na ang unfair unfair ng lahat...but you must remember na yung moment na yun ay isang maliit na bahagi ng oras lamang na nakonsumo sa buong buhay mo. Fine, ngayon, ang gulo-gulo, pero magkakaroon naman ng time na sobrang saya mo. Tulad ng nangyare kay Drew. She lost her memory, her life...but then she regained it plus may nakuha pa shang super nice extra. :)

Hay, ang ganda naman ng realization ko. Ang positive, nakakatuwa. :) Pero totoo. Naniniwala ako na "Everything will fall perfectly into place..." :) And its nice na I know that the falling into place is happening at this very moment. It gives me something to look forward to.:)