a slice of chocolate caKE with everything on it

because life's like chocolate cake: it's only either very sweet or bittersweet

Sunday, June 25, 2006

Anong gusto mo maging pag laki mo???

Noong bata ako ang naaalala kong unang sagot ko dyan sa tanong na yan ay ARCHAEOLOGIST. O di ba?! Bata palang nerdox na! Hahaha. (di ako nerd pala pipol, baka lang magassume kayo na ganun nga ako. mabasa lang akong tao. hehe). Yan ay pagkatapos kong mabasa ang Children's Encyclopedia Volume 1. Sumunod dyan, gusto ko namang maging ASTRONAUT (pramis, di talaga ako nerdox. maniwala kayo sa akin!). Yan ay matapos kong mabasa ang Children's Encyclopedia Volume 6. Pre-school ako niyan.

Grade School time naman. Ginusto ko maging TEACHER -- yan ay pagkatapos kong magkaroon ng napakabait at napakagaling na guro sa katauhan ni Teacher Nel (hi teacher Nel! sana mabasa mo ito!). Tapos, for two weeks, ginusto ko maging LAWYER. Ito, di ko alam kung pagkatapos ng ano ko napagdesisyunan. Basta, bigla na lang, isang araw, naisip kong maging lawyer. Yun na yun. Kaya siguro bigla-bigla ren ang pagka-unthink ko sa pagiging ganun.

Nung hayskul ko naman napagtanto na gusto ko maging DOKTOR. Dahil ba ito sa second-year bio class? Hmm... maaari mo na ring masabing ganun. Kase kaya ko naman napanood ang movie ni Hugh Grant na Extreme Measures nung gabi/umagang yun ay dahil hindi ako natulog dahil nag-aaral ako para sa bio finals eh. At pagkatapos kong mapanood yung pelikulang yun, ginusto ko nang maging NEUROSURGEON.

Nung college ako, aba ang galing ko. Di ko inisip kung anung gusto ko maging. E ngayon, tapos na ako, may nagtatanong nanaman kung anu nga ba ang gusto ko maging pag laki ko...

Kailangan ko na malalaman yan in two days time. Kaya tanungin niyo uli ako after two days. Buti na lang di ako contestant sa Little Miss Philippines, kundi baka nagcommercial na't lahat wala pa rin akong maisagot sa tanong na yan. Tito, Vic, and Joey, in two days po masasagot ko na yan. Pramis.

4 Comments:

Blogger (in)communicative said...

Follow your heart, KE! Mwah :D

4:06 AM  
Blogger stella said...

Yeah... I'll just have to figure out what my heart wants. I have less than 24 hours to go! Hahaha!

4:00 PM  
Blogger vanessa said...

intense na tayo next week! wala lang. let's do this, KE! :D

8:18 PM  
Blogger stella said...

doyti! haaayyyy. haha, wala lang. long week eh...

yes, we shall do it. :D

1:04 AM  

Post a Comment

<< Home