Birthday ng tita ko today. At sa amin, pag may birthday, isang buong araw ng walang humpay na kainan yan. Miyat-miyang kain mehn. Literally. Kaya mamaya pa akong 12 midnight or past that matutulog... baka bangungutin ako eh. :O
*****
Sa tagal ko na di nagpost at dahil ang dalawang recent kong post ay puro "nakaw" na post lang (dahil illegal ito, haha), nakalimutan ko nang ilagay dito yung mga bagay na naisip kong karapat-dapat iblog. Ililista ko na lang siguro. Hmm...
1) Congrats to
DANA for topping the Occupational Therapy Board Exams!!! Woohoo to you! At di ka pa natapos mag-aral niyan, noh? Kamusta ka naman, di ba?! :D
2) Congrats to
TONETTE dahil nasama ang pelikula niya sa isang international film festival!!! Astig ka talaga tonet. Kung paborito mong direktor si Joyce Bernal, ikaw naman ang akin. Hehe. At paborito ko ring mga pelikula ang 'Plano at ang Pink Ranger Akin Ka Lang na mga anim na beses ko atang napanood sa isang upuan, haha. (Uy, pengeng kopya ng mga yun, please?)
3)
ANG GANDA NG GREY'S ANATOMY!!!!!!!!!!! It's official. Favorite drama series ko na na yan to date! Minarathon ko lang ang season two recently at inuulit ko na shang panoorin ngayon, hahaha! Fan! I love something about all the characters! Ang galing-galing. Sana masustain hanggang next seasons. Pati yung hotness ng Grey's Guys sana masustain! Hahaha! McSteamy, McVet, Burke and og course McDreamy!!!! Can't wait for season 3!!!
4) I love Friday night gimiks with friends! :D Greenbelt is Yuppieland every friday. Mae! I loved seeing you nung friday!
5) Cheers to the new blog I'm reading!
*****
Katatanong lang saken ng kapatid kong Grade 6 na nag-aaral ngayon para sa exam niya tomorrow kung ano ang nangyareng significant nung July 24.
Ang sagot ko: Ipinanganak ang crush ko.
War pala ng Israel at Lebanon ang tamang sagot. Hehehe.