a slice of chocolate caKE with everything on it

because life's like chocolate cake: it's only either very sweet or bittersweet

Thursday, March 23, 2006

Maikling Side Trip

"Wala na lang akong magawa kundi mapangiti kapag nakikita ka."

Tuesday, March 21, 2006

Humayo't Magpakasaya

Humayo ka't magpakasaya. Yung tipong kala mo wala nang bukas. Dahil, sa totoo lang, malapit na rin naman talaga maubusan ng bukas. Kaya dapat habang may panahon pa, sulitin mo na. Di laging may papasok sa pinto na magpapasilay ng ngiti sa iyong mga mata.

*****

Ang daldal ko. Palagi kasing maraming tumatakbong kung anu-ano sa isip ko. Isipin niyo na lang kung di ko naisusulat dito ang ilan sa mga yon. Kawawa naman ako, "repressed" child, in a way. Nakakahiya nga minsan e, di ko na-e-edit yung mga entries ko. May mga time na pag binabasa ko, may nawawalang mga salita sa sentence, na alam ko namang naisip ko nung sinusulat ko yun. Basta, minsan talaga nauunahan ng utak ko yung kamay ko sa pagttype e, kaya kala ko nasulat ko na, di pa pala. Hahaha.

*****

Salamat talaga sa mga naturally sweet at thoughtful na mga tao sa mundo. Nakakahigh EQ sila. :D

*****

Dapat talaga hindi na ako nag-b-blog ngayon. Dahil marami pa akong kailangan gawin. Ngunit, ayon sa prinsipyong sinusunod namin ni Ish, dapat akong magblog. More about that some other time, haha.

*****

O sha, back to acad mode na. B.I. talaga ang net ever, grrr!!!

Ang Parabula ng MRT Kard

Isang araw, may isang babae (itago na lang natin sa pangalang KE) na nakalimutang hingin ang baon niya sa kanilang kasambahay. Pumasok sha ng walang baon sa araw na iyon at tanging natitirang pera sa kaniyang bag ay mga sukli mula sa mga dati pa niyang baon. Sa isip-isip niya, "Sige, oks lang. Sapat pa naman ang perang ito hanggang hapon pauwi. May MRT kard naman ako kaya magkakasya pamasahe ko." Taglay ang thought na iyon, masaya niyang hinarap ang araw.

Pagsapit ng hapon, umuwi siya ng maaga upang simulan na ang kaniyang matagal nang nabinbing thesis. Pagdating niya sa MRT station, ang haba ng pila. Natuwa siya. Kasi siya may MRT kard at di na kailangang pumila pa, astig. Kinapa niya ang bulsa sa kanyang bag kung saan palagi niyang nilalagay ang MRT kard. Aba, wala dun. Hmm, ma-double check nga...calling card ng Accenture, discount card sa parlor, UP ID, creative shot ni Doyti, ninenok ng kaibigan na picture ni *toot*, globe sim card, tiket ng bus na sinakyan kahapon. Syet, wala talaga! Kamusta naman, eksakto pambus at pangtraysikel na lang ang pera niya. Ano nang kanyang gagawin?!

Isip, isip. Hmm...aha! Text kagad sa MRTmate na laging kasabay pauwi! Okay, text...Nako, di kagad nagreply. Ano pa ba? Aha! Text sa sinasabayan minsan pa-Makati! Hintay ng reply...Yikes, di pwede, may lakad pa sha. Si MRTmate na lang...Oh no, may review siya at di pa uuwi. Patay, maglalakad na ata talaga siya pauwi. Hay. Bahala na, mabuti pang bumili na lang ng bagong MRT kard.

Pumila si KE sa mahabang pila ng MRT, nag-iisip ng paraan para makauwi habang dahan-dahang umuusad sa linya. Nang sa wakas ay makaabot na siya sa tagapag-bigay ng MRT kard, may tinig siyang narinig na sumambit sa kanyang pangalan. "KE!", a nito. Agad na lumingon si KE at nakitang ito pala'y isa niyang batchmate! Wahahahaha! Laking pasasalamat niya sa tadhana! Akalain mo nga naman! Lumapit sha sa batchmate niya at kinuwento sa kanya ang dilemma niya. Malugod namang pinahiram ng labin-limang pisong kulang pangcommute ng kanyang batchmate si KE upang siya'y makauwi. Sabay silang sumakay sa MRT at masayang nagchikahan pauwi.

*****

Mga bata, ay tatlong importanteng aral na makukuha mula sa parabulang ito:

1) Huwag tatanggap ng kahit anong ninenok na bagay mula sa kaibigan kahit pa maganda ang intensiyon niya sa pagbibigay sayo nito (dahil kakarmahin ka pag lumaon sa pagkawala ng MRT kard na P71 pa ang laman)

2) Maghintay ng kakilala sa MRT station pag nalagay sa sitwasyong hindi sapat ang salapi pauwi (epektibo itong panlutas ng suliraning kinahaharap)

3) Huwag mataranta kapag nalagay sa kahit anong sitwasyong tila napaka-ironic at napagsukluban ka na ng langit. Kaya pang gawan ng paraan yan. Kung di ikaw ang gagawa ng paraan, may ibang gagawa ng paraan para sayo. At SIYA yun, yung nasa itaas. (o, di ba? may sense itong pangatlo). Minsan kasi akala mo ikaw na lang talaga ang gumagawa ng lahat ng paraan para mangyare ang mga bagay sa buhay mo. Pero hindi rin. Di kailanman magkakaroon ng panahon na wala kang pera at mag-isa ka. Dahil hindi ka nag-iisa.

At iyan ang makabuluhan at may kalalimang konklusyon sa tila walang katuturang entry na ito.

Friday, March 17, 2006

Before ang Horoscope, After and Senti (Labo ng Title)

Wahahaha! Ang perfect ng friendster horoscope ko ngayon. Something to do with letting go of expectations about some person who isn't living up to it. Feeling ko tuloy kilala ako ng gumagawa ng friendster horoscope. Freaky kung ganon.

*****

Ang senti ko talagang tao. Kanina galing kami ni Letti sa CHK. Nagjeep kami pabalik ng Econ. Tas ayun, senti-senti na. Sabi ni Letti last jog niya daw sa April 3 tapos ang gagawin niya iikot daw sha sa buong UP at kukuha daw sha ng pics ng buildings at places. At sinasama niya ako. Well, oks lang naman saken sumama. Sana nga lang tumagal ako, haha. There's always the Ikot rin naman pag di ko na kaya. Sasakay na lang ako ng jeep pabalik ng Econ, haha! Pero yun nga, senti-sentihan. Ang bilis ng four years e. Siguro nga mas mabilis kung by sem ang bilang...Di mo talaga napapansin na patapos na pala e. At narealize naming andame pa naming di pa pala nagagawa sa UP na naisip naming gawin bago pa kami pumasok dun. Like ako, matagal ko nang gusto magstar-gazing sa UP Observatory, sumigaw ng parang wala nang bukas sa gitna ng Sunken Garden, mag-ghost-hunting sa Educ, sumali sa Lakay o sa kahit anong mountaineering org, at magPE na basketball. At dama ko may mga nakakalimutan pa akong iba bukod pa diyan. Pero kakaiba, attached kung attached talaga eh. Pumapasok na lang ako minsan just to be with people. Kase sandali na lang ang panahon na makakasama ko sila ng ganun e. Kasi naman noh, ito pa man din ata ang pinakamasaya kong sem ngayong college, ang hirap tuloy i-let go. Haha, there was never a day talaga na di ko naalala kung gaano ako kasuwerte na sa UP ako nag-aaral...and those days include times kung kailan feeling mo ikaw na ang pinakabobong estudyante sa UP ah. Da best talaga kase e. The best school. The best people. The best teachers. The best environment. The best learning experience.

*****

I realized while riding the MRT on my way home that my life may be basically divided into two "eras": the BEFORE and the AFTER. And these are two totally different periods in my life, at least when what each revolves around each is taken into consideration. And, after years of just not getting around to thinking about it, I realize that I miss the BEFORE. So much.

It's just that it's been a long time since I ever felt really safe and protected and stable and all the other adjectives you can associate with words usually associated with the ones I have mentioned. And that's because I've been doing all that is mentioned for myself since BEFORE ended and AFTER came. It was a personal choice. Or come to think of it, a must that was shoved right at me since it was, in my situation, the "right" thing to do...so, does this mean I didn't have a choice?

I am feeling its after-effects. Not so good. Quite inconvenient, especially when they attack at times when there are important things to do. But I guess they'll just all come to pass. Or I'll just have to learn to deal with them. Like the way I eventually learn to deal with everything else that come my way.

I am missing BEFORE even more.

Wednesday, March 15, 2006

Commuter Chronicles

Reaching home past midnight on a regular school night is but common to a wandering commuter. Yes, that is what I have decided to call myself just 4 seconds ago. Wandering commuter. Adds some mystery and adventure to a seemingly ordinary "occupation", doesn't it?

But being a wandering commuter IS an occupation in itself. Sa hirap ba naman ng pagcocommute, dapat binabayaran ka talaga sa paggawa nun! Lalo na pag umuulan...o di kaya naman pag magcocommute ka ng maysakit ka (na kakagawa ko lang kahapon. buti na lang andun si jules. tenks dear.)... o pag super siksikan sa bus na sasakyan mo papunta sa paroroonan mo...at marami pang ibang instances.

Pero kadalasan keri ren naman ang pagcocommute. Marami pa ngang interesanteng na-e-encounter dahil dun. Mga taong alam mong dun sa jeep mo lang na yun makikita ever sa buhay mo, o di kaya naman ang kabaligtaran nito, taong alam mong di mo lang dun makikita. Mga amusing na conversations ng mga magkakaibigan, mga sana-invisible-na-lang-ako moments habang nagaaway ang magsyota sa harap mo sa loob ng MRT, nakakaendear na paghele ng ama sa kanyang sanggol na anak, pagtulog ng katabi mo ng nakabuka ang bibig...matutunghayan lamang habang napapalipat-lipat sa iba't ibang sasakyan. Madalas nakakapag-aral pa nga ako habang nagcocommute e. Isang oras din yun ng pagbabasa ng libro! At shempre, nakakapagmuni-muni ako...tungkol sa mga pangyayari ng araw na nagdaan, sa mga plano ko sa hinaharap, sa mga ikinasisiya ko at ikinalulungkot, sa mga gagawin pagdating sa bahay, at pati na rin sa panghuhula ng ulam na aabutan kong nakahain sa mesa....

Dami ko na ring napuntahan dahil ako'y nagcocommute. Naalala ko, inauguration ng aking official commuting days ay noong ako'y nasa first year high school at may party sa school. First time kong magcocommute, kasi first time na permanenteng nawalan na ng maghahatid at magsusundo saken kung saan-saan. E alangan namang habambuhay na akong maburo sa bahay dahil wala lang maghahatid saken di ba? So nagdesisyon akong magcommute. At simula noon, kung saan-saang lupalop na ako nakarating. Kahit nga mga lugar na di ko pa napupuntahan date, nararating ko mag-isa basta commutable ang lugar. Keri naman ang lahat ng bagay kung marunong magtanong at may matinong sense of direction. Sabi nga ni Desh, para raw akong walking compass sa lakas ng pakiramdam ko pagdating sa tamang direksyon na patutunguhan...naisip ko lang, sana ganun din talaga ako kagaling pagdating sa tunay na life, ano? Hehe.

*****

Dapat natutulog na ako. Actually, dapat nag-aaral na ako dahil may exam ako bukas. Este mamaya na pala yun. Mamayang 6 na siguro ako mag-aaral. Kaya lang wala pa rin palang tribute. Shempre uunahin ko yun, higher utility eh. So ang hierarchy ko: 1) tribute; 2) tulog; and 3) exam. Talaga nga naman, gagraduate na lang ako wala pa ring pagbabago sa priorities ko, tsk, tsk.

Wednesday, March 08, 2006

Sana Lahat na lang Tayo may Marka sa Noo

Ang kulit ng YM. Mabuhay talaga ang nakaimbento niyan. Andame kasing interesanteng napag-uusapan dahil sa YM e. Tulad ng talakayang ugat ng pamagat ng blog entry na 'to.

Sana Lahat na lang Tayo may Marka sa Noo. Ang marka sa noo na yan kasi ay signal kung may gusto ko ba sa isang tao o wala. Pag may gusto sayo ang isang tao, may lalabas na natatanging marka sa noo na nagpapahiwatig nun. Kung ano ang markang iyon, di na namin napagdebatihan sa aming talakayan. Pero basta marka sha. Sana star na lang para oks sa akin, peyborit ko yun e. Wag lang cross dahil parang Ash Wednesday. At wag lang numero dahil parang the Frighteners, nakakatakot naman yun kung ganun. Sabi ko nga wag na lang marka sa noo, sana tipong may kakaibang "glow" na lang yung tao, para di naman super kakaiba. Pero kakaiba rin pala yung "glow" lang mismo kung iisipin mo.

Pero seryoso, sana nga lahat na lang may marka sa noo. Para mas madali para sa lahat ng tao. Wala nang pakiramdaman, wala nang panghuhula, wala nang mga pagtangis na di naman pala kinakailangan, at wala nang mashadong oras na maaaksaya. Dun sha sa gusto niya. Dun ka sa may gusto sayo. O di naman kaya pag susuwertihin, kayong dalawa pala ay may gusto sa isa't isa, e di dyan na nga kayo! Perpektong impormasyon, parang assumptions sa Econ. Para efficient ang "market". Haha.

*****

Dapat pala lagi akong nagsusulat ng tulad ng huling post ko e. Para naman tinatamaan at ang mga tao at gumagawa ng kaukulang aksiyon. Tingnan mo, sabi ko sayo e...wala namang mawawala sayo. Ayan, buong gabi ka nang nakangiti ngayon tuloy, haha! Ang kyut mo! Bwahaha! Kung di ka nakinig saken, wala, walang nangyaring kasiya-siya. Tulog ka lang siguro ngayon, pinapanaginipan kung ano yung mga dapat mong ginawa imbis na kung ano yung mga nangyare pagkatapos mog gawin ang mga yun. Hahaha. Sana naman makatulog ka, ha? Baka naman parang naka-prozac ka na sa sobrang saya niyan. Hehe. Pero I'm happy for you dude. Meron pa ngang mga lalaking tulad mo. Idol. Baw.

*****

In fairness to you, my textmate-during-the-bus-ride-home. Dahil sa mensahe mo, ako'y nabatukan at natauhan. Ikaw lang ang nakagawa nun. Mabuhay ka! At tama ka nga...pero pwede ko namang hintayin e? Hahaha, joke lang, baka batukan mo na ako ng totoo niyan e, hehe.

*****

Ang mga huling titik na iiwanan ko sa inyo ay mga linya mula sa kanta ng "the great" Donna Cruz:

Kapag tumibok ang puso
Wala ka nang magagawa kundi sundin ito
Kapag tumibok ang puso
LAGOT KA NA (!!!)

Bwahahahaha!

Hango mula sa isa sa mga commnews sa opisyal na publikasyon ng org ko. Ang totoo e, astig. Kaya hiniram ko.

Sunday, March 05, 2006

Live Up to It

Go for it. Do not be afraid to bleed. It only proves that you are indeed human. And that bravery is not a characteristic extinct from your kind. Do not think about distance or age or any of the crap that people give out as reasons to do nothing. They are just that, just REASONS, barriers made by your mind, barriers that can easily be torn down by the very same mind that created them. That is, if you decide to tear them down. You see, it is all up to you. You were born with that wonderful birthright in a society which graciously reinforces it. So act now and put that privelege to good use. The worst that might happen is you having to go to the pub to drink beer with with your friends in order to bask in the pain of rejection and the seemingly deadly shame creeping up your spine. It's not much of a loss though, since the event proved that you have great friends and that seemingly deadly feeling of shame is just that --seemingly deadly. You'll survive and you'll be ready to face another day. And you'll have something to charge to your experience. If you're not up to that, then give up your right. There are many others not born with it who are very eager to take it from you. If you're too scared to act upon it, you probably don't deserve it anyway. Hand it over then. So that things can actually start happening in this world.